Kayo ay nagbabasa sa aking kauna-unahang artikulo na hango lahat sa wikang Filipino, ang ating pambansang wika. Kulang isang buwan na nang kami ay nanirahan dito sa Maynila ngunit akalain mo, hindi pa rin umaasenso ang aming pananagalog. Paano nga nama't lagi pa rin kaming nagbibisaya kapag kami ay nagkakasama sa aming kinauukulan ngayon? Kami pa ring mga Bisaya ang palaging nagkakasama kaya't wala kaming pangangailangang magtagalog pwera na lang kung sasakay kami ng pampublikong transportasyon, o bibili sa mga tindahan. Minsan nga, lalo na c Ai, ay nalilimutang magtagalog kapag iba ang kausap niya. Buti na lang, karamihan sa mga nakakasalamuha namin ay bisaya rin kaya nagkakaintindihan pa rin. Hindi naman sa hindi ko mahal ang ating pambansang wika dahil hindi ako masyadong marunong magsalita nito. Pero bakit nga ba Tagalog ang ating naging pambansang wika kung mas malaking porsyento naman sa ating populasyon ang nagsasalita ng Bisaya? Sa totoo lang, sa Luzon lang ang karamihang nagtatagalog habang sa Visayas at Mindanao ay nagbibisaya. Nakakainis isipin na mababa ang tingin ng mga Tagalog sa mga Bisaya dahil matigas silang managalog, pero ang mga Tagalog ba marunong magbisaya? At kung magsasalita naman ng ingles, aba, mas magaling yata mag ingles ang mga Bisaya kaysa mga Tagalog. O sya, di na ako magrereklamo't nasa batas na na Tagalog ang pambansang wika at hindi Bisaya. Heto na lang ang isa sa mga bloopers namin sa pakikipagtalastasan sa wikang Filipino:
Ai: "Paulo, patikim ng iyong butika"
Pao: "You mean "bituka"?" (bumili kasi c Pao ng bituka, hindi po ng sarili niyang bituka ang ibig sabihin ni Ai)
No comments:
Post a Comment